Author Topic: [PH/FIL/TAG] Impormasyon para sa mga Donator  (Read 1235 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline Kaitlyn

  • Adult Fish
  • ***
  • Posts: 132
  • Just passing by
    • My blog
    • Awards
  • SA-MP username: [H4L]Jackass
[PH/FIL/TAG] Impormasyon para sa mga Donator
« on: February 26, 2015, 07:03:04 am »

Impormasyon para sa mga Donator


Paano mag-donate

Laging bukas na tumatanggap ng donasyon ang Littlewhitey's Server sa pamamagitan ng PayPal para manatiling bukas ang serber. Makakatanggap pa kayo ng mga benipisyo na magagamit niyo sa serber at forum, na ipapangalan ko sa ibaba. Gamitin lamang ang sarili mong pananalapi (currency), o GBP (Wag itong i-konbert sa ibang pananalapi!). Kung gusto mo mag-donate, ipadala ang iyong donasyon sa donations@littlewhiteys.co.uk. Wag kalimutang banggitin ang iyong pangalan sa laro at pangalan sa forum, para malaman namin kung sino ka!.


Privacy

Lahat ng impormasyon kung sino ang nag-donate/magkano ang nai-donate ay mananatiling pribado, maliban kung ipinagkalat mo!


Notaryo

Kailangan mo mag-donate ng kahit 3 GBP para makakuha ng donator na istatus sa forums at sa serber ng SA-MP.
Ang pagbibigay ng donasyon ay hindi makakakuha ng kaligtasan mula sa mga bans/kicks o ano pa mang special treatment! Mangyaring wag pilitin ang mga admins sa pamamagitan ng pagsabi na kayo'y nag-donate. Pilitin mo nalang ang iyong mga kaibigan na mag-donate ;)

Mga Benipisyo:

  • Kakayahang i-set ang iyong spawn-point kahit saan mo gusto (kayong bahala!).
  • Kakayahang maglagay ng Nitro sa iyong sasakyan kahit hindi na pumunta sa Transfenders.
  • Kakayahang magpalit ng kulay ng sasakyan.
  • Kakayahang maglagay ng Rims at Hydraulics sa iyong sasakyan.
  • Libre na ang komand na /ME.
  • Ang iyong limitasyon sa bangko ay itinaas mula sa 5 Million patungong 7 Million.
  • Ang limitasyon sa pagpapadala ng pera ay itinaas mula sa $350.000 patungong $1.000.000
  • Pwede mo nang gamitin ang V.I.P. Chat sa laro.
  • Mag-spawn na merong $5000 sa halip na $500 tulad ng mga regular na manlalaro.
  • Komand na nagspa-spawn ng bulaklak.
  • Komand na makikita mo ang mga donators sa laro.
  • Aksess sa donator's club.
  • Aksess sa mga sasakyan ng mga donator sa taas ng donator's club.
  • Kakayahang mag-salita sa IRC channel na #lw.echo para makapag-chat kahit wala ka sa laro.
  • Pribadong seksyon sa forum na pang-donator lamang.
  • Pribadong IRC channel na pang-donator lamang.


Salamat sa lahat ng iyong suporta, ang LW Team.