Author Topic: @@@ NA-BAN KA BA? BASAHIN MUNA 'TO BAGO MAG-POST! @@@  (Read 5712 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline Kaitlyn

@@@ NA-BAN KA BA? BASAHIN MUNA 'TO BAGO MAG-POST! @@@
« on: October 21, 2015, 02:21:04 PM »
Pag-Apela ng Ban [Filipino/Tagalog]

Kung ika'y na-ban, dito ka sa seksyong ito mag-post ng iyong apela. Maliban lamang kung ang admin na nag-ban sayo ay nagbigay ng taning kung kailan ka ia-unban.

Kung dito ka magpo-post, malalaman agad namin na ika'y na-ban, kaya hindi mo na kailangang isulat ang "OMG BANNEDED" sa subject title. Isulat ang iyong pangalan sa laro at kung sino ang nag-ban sayo (kung kilala) para masulusyonan agad ang iyong problema. Isulat ang pangalan ng admin na nag-ban sayo sa subject title sa ganitong format: "[Admin] Nick [Rason]", hal. [S3rs] Manlalaro 1 [Cash Hack]

Gamitin ang ganitong format sa pag-apela ng ban:


Code: [Select]
[left][b]Nick used whilst ingame:[/b] [Yung Nickname mo]
[b]Time and Date that you were banned:[/b] [Araw at Oras]
[b]Suspected Reason :[/b] [Rason]
[b]Admin that banned you (if known):[/b] [Pangalan ng admin na nag-ban sayo]
[b]Extra notes:[/b][/left]

Kung hindi ka magpo-post sa ganitong format, malaki ang tsansa na tanggalin ito o hindi pansinin. Sa ganitong paraan, mabilis naming makukuha ang lahat ng impormasyon na kailangan namin para ma-review ang iyong ban.